Tuesday, March 8, 2011

PALALAKIHIN ANG BILIBID PARA SA MGA KURAKOT! -- PNOY



Sa harap ng mga sundalo, muling nangako si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino na sagot niya ang pagpaparusa at pagpapakulong sa mga corrupt officials ng pamahalaan at isa ito sa dahilan ng pagpapalaki ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa: para paglagyan ng mga tiwaling opisyal.

“Ako naman po ay na­ngangako sa inyo ‘yung saklaw n’yo tugunan n’yo, ‘yung hindi n’yo saklaw tulad ng mga local government officials na nakikita lang pang eleksyon, isumbong n’yo sa akin ako na bahala sa kanila. Tulad ng tiwaling mga miyembro ng iba’t iba nating ahensya, sagot ko na rin po ‘yun, … palalakihin natin ang National Blibid, malapit nang matapos ang plano,” ayon kay Aquino.


Mula sa kaliwa, sina Reps. Cesar Sarmiento, Alfredo Benitez at Emmiline Aglipay habang ipinapakita ang kanilang urine samples sa boluntaryong pagpapa-drug test kahapon. (Mike Taboy)

Ito ang binitiwang talumpati kahapon ng Pa­ngulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Change of Command sa pagsasalin ng panunungkulan mula kay outgoing AFP chief of staff Gen. Ricardo David Jr. patungo kay incoming chief of staff Lt. Gen. Eduardo Oban Jr.


Sa nasabing okasyon ay sinabi ni Aquino na malaki ang tiwala niya kay Oban na maipagpapatuloy nito ang reporma ng predecessor nitong si David at sa kakayahang higit na pagbuklurin ang buong Sandatahang Lakas.


Sinamantala rin ni Aquino ang okasyon upang idaing ang mga problemang minana niya mula sa administrasyon ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo partikular sa ga-bundok na utang ng gobyerno, bagay na tinutugunan na umano ng kanyang economic team.


Bantay-pondo, modernisasyon


Sa panig ng bagong luklok na chief of staff, sinabi nitong, “Ipinapa­ngako ko na aking babantayan ang pondo saan mang manggaling kasama na ang mula sa Balikatan (RP-US exercises) at United Nations at lalung-lalo na mula sa buwis, ang dugo at pawis ng taumbayan. I shall hold myself accountable for their proper and effective utilization.”


Upang masinop ang paggastos ng pondo, sinabi ni Oban na magkakaroon ng palagiang auditing sa lahat ng perang inilalabas at ginagastos at sinumang hindi susunod sa bagay na ito ay siya mismo ang mangunguna para sampahan ng kaso.


“Sa bawat gagawin ng Armed Forces, tatanggalin natin ang dalawang karaniwang kundisyones na siyang pinanggagalingan ng kurakutan, oportunidad at motibasyon. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ating sistema at mga pamamaraan na maniniguro sa accountability ng bawat personnel at pag-promote ng kultura na sa ating kasundaluhan na iwaksi ang gawaing kurakutan,” ani Oban.


Nangako rin si Oban na kanyang pabibilisin ang pag-usad ng modernisasyon ng militar lalung-lalo na ang mga kagamitan ng Philippine Air Force at Philippine Navy.


Bilang komento naman, sinabi ni Senate Pre­sident Juan Ponce Enrile na, “He can do what he can do.

You can’t expect him to do miracles in nine months. The AFP is too big in terms of equipment, training, modernization and so forth.”

source: abante

No comments:

Post a Comment