Thursday, March 31, 2011

MAMAMATAY NA BA AKO? -- SALLY


source: abante


“Mamamatay na ba ako? Bakit nandito kayo?”

Ito umano ang pambungad na tanong nang nagtataka at nagulat na si Sally Ordinario-Villanueva nang makita at makaharap ang kanyang mga magulang na sina Mang Geronimo at Aling Editha gayundin ang dalawang kapatid na sina Jason at Mylene sa detention house ng Xiamen kung saan isa-isa nitong niyakap ang kanyang mga dumalaw na kaanak sa pagitan ng rehas na bakal.


Sa gitna nito, hindi na umano nakasagot ang pamilya ni Sally at napahagulgol at napayakap na lamang ang mga ito sa kanya na pahiwatig sa mangyayari.


Sinabi ni Mylene na iginiit ng kanyang kapatid na biktima lamang siya at mahigpit nitong ibinilin na alagaan at ‘wag pababa­yaan ang kanyang dala­wang anak.


Sa kabila nito ay inisip pa rin nito ang kalagayan ng kanyang ina.


“Mama, bakit ang payat-payat mo na? ‘Wag mo akong isipin dito. Isipin n’yo rin sarili n’yo,” patungkol naman ni Sally sa inang si Editha.


Isang oras lamang silang pinahintulutan para makasama ang kanilang ate sa huling pagkakataon.


“Marami po siyang bilin pero hindi po namin maintindihan dahil iyak po kami ng iyak,” salaysay ni Jason.


Sinabihan din umano ni Sally ang kapatid nitong si Jason na maging maingat sa mga pagkakatiwalaan nitong kaibigan.


Matapos ang pagbisita ng pamilya, isang pari na ang dumating at benendisyunan si Sally.


Matapos na magkausap ay ibinigay na rin ng Chinese authorities ang mga personal na kagamitan ni Sally sa pamilya nito.


Ayon naman kay Noel Novicio, second secretary at Consul ng Philippine Embassy sa Beijing, China kasunod ng isang oras na paghaharap ng pamilya at ni Sally ay binasa na ang promulgasyon dakong alas-9:40 ng umaga saka dinala sa isang pribadong lugar kung saan binitay sa pamamagitan ng lethal injection.


Ganito rin ang naging proseso kay Ramon Credo habang si Elizabeth Batain naman ay naka­usap lamang ng kanyang mga mahal sa buhay matapos ang promulgasyon.


“Tanggapin na lang natin mama”


Ito umano ang paha­yag ng apat na taong gulang na anak ni Credo na hindi man napagbigyan sa kanyang hiling na mayakap at makausap sa huling sandali ang kanyang ama ay nagpakita naman ng katatagan ng kalooban sa kabila ng mura nitong edad at nagawa pang aluin ang emosyunal nitong ina kasabay ng pasambulat ng balita na patay na ang tatlong Pinoy na binitay sa China kabilang ang kanyang ama.


Nang makita ng musmos ang nagpapalahaw sa iyak na ina nitong si Sol ay nagpakita ito ng katapangan na harapin ang kinasapitan ng ama.


Nabalitaan lamang ng mag-ina ang sinapit ni Credo sa pamamagitan ng impormasyon sa telebis­yon habang nanonood sa isang bahay sa Cavite. Pan­samantala kasing umalis ng bahay ang mag-inang Credo sa kagustuhang mapag-isa at makapagdasal ng taimtim.


Ayon naman kay Aling Cornelia Peralta, biyenan ni Credo, “Wala kaming sinisisi sa nangyari, sa gobyerno nagpapasalamat kami dahil ginawa nila ang lahat ng kanilang magagawa, pero wala ring nangyari so ayos na rin po,” pahayag pa ni Aling Cornelia patungkol sa sinapit ng kanyang manugang.


Batain nakiusap


Sa kabila ng hayagang pagiging emosyunal ng mga pamilya ng dalawa sa mga nabitay na Pinoy sa China ay umapela naman ang pamilya ni Batain sa media na igalang ang kanilang pagdadalamhati.


“On behalf of my entire family, both in China and the Philippines, we would like to request all media to refrain from contacting us during these traumatic times. We need to stay stronger as a family and focus our attention to God. This constant harassment is an invasion of our privacy. We still believe that this is just a trial for our family,” paha­yag ng isang kapamilya ni Batain na itinago sa pa­ngalang Angel.


Kasabay nito ay hinimok ni Angel ang mga mamamahayag na tumulong sa pagbibigay ng im­por­masyon sa publiko kaugnay sa modus operandi ng international drug syndicates na nasa likod ng panggagamit sa mga Filipino bilang drug mule.


Opisyal na iniha­yag ni Vice President Jejomar C. Binay na patay na ang tatlong Pinoy na sina Villa­nueva, Credo at Batain matapos na bitayin sa pamamagitan ng lethal injection dahilan sa pagkakasangkot sa drug trafficking sa China.


Mula sa bansang Qatar, kinumpirma ni VP Binay sa isang panayam bandang alas-11:49 ng umaga ang masamang ba­lita na patay na ang tatlong Pinoy.


“Malungkot na araw. Patay na po ‘yung tatlong kababayan natin. Ipagdasal na lamang po natin sila,” ani VP Binay.

source: abante

No comments:

Post a Comment