Monday, March 21, 2011

Thia Megia, lusot pa rin sa Top 11 ng American Idol!

source: abante


Tuloy pa rin ang IDOL journey ng Fil-Am na si Thia Megia habang namaalam naman ang 21-year-old na taga-New York na si Karen Rodriguez matapos na makakuha ng pinakakonting boto sa nakaraang results night sa American Idol palabas sa GMA News TV Channel 11.

Sa performance night nitong nakaraang Huwebes, ang Top 12 na sina Megia, Pia Toscano, Casey Abrams, Naima Adedapo, Lauren Alaina, James Durbin, Stefano Langone, Jacob Lusk, Scotty McCreery, Paul McDonald, Haley Reinhart at Rodriguez ay pinapili ng kanta mula sa taon ng kanilang kapanganakan.

Inawit ni Megia, na pinanganak noong 1995, ang “Colors of the Wind” ni Vanessa Williams. Ngunit hindi nakatanggap ng papuri mula sa tatlong IDOL judges na sina Jennifer Lopez, Randy Jackson at Steven Tyler ang version ni Megia.

Pagdating ng results night, kitang-kita na ma­lakas pa rin ang suportang natatanggap ni Megia sa mga manonood dahil hindi siya bumagsak sa bottom 3. Ang tatlong nakakuha ng pinakamababang boto ngayong linggo ay sina Rodriguez, Reinhart at Adedapo.

Sa results night din, kumanta ang Top 12 ng pinagsamang “Born to Be Wild” at “Born This Way.” Umawit naman ang Black Eyed Peas ng “Just Can’t Get Enough” at ang season 9 winner na si Lee DeWyze ng “Beautiful Like You.”

Sa kanyang official Twitter account, pinasa­lamatan ni Megia ang lahat sa kanilang suporta. Sa mga darating na araw, magpapasiklaban ang natitirang 11 finalists sa pag-awit ng classic Motown tunes.
Makabawi kaya si Megia sa darating na Motown night? Sinu-sino ang bibida at papasok sa Top 10 ngayong season 10?

Tuloy ang labanan sa biritan. Palabas ang performance night ng American Idol tuwing Huwebes, 6 pm (may same day replay ng 10 pm), at ang results night naman tuwing Biyernes, 6 pm (may same day replay ng 10 pm), sa GMA News TV Channel 11.

***

Ibang level na talaga ang The Price is Right ni Kris Aquino sa ABS-CBN, pagkatapos gumawa ng kasaysayan nu’ng mag-live ito last March 10. Hindi alam ng karamihan na ito ang unang beses na isinagawa ang programa ng live makalipas ang ilang dekada ng The Price is Right, ang tinaguring longest-running game show na may lokal na edisyon sa aabot sa 40 bansa sa mundo.

Tanging Pinoy lang ang sumubok at nagawang magpalit ng naglalakihang set ng mabilisan kada game segment sa programa. Kaya naman, base sa ipinakita ng game show sa nakaraang dalawang linggo ay nakakabilib talaga ang staff and crew sa pangu­nguna ni Direk Bobet Vidanes, gayundin kay Kris na walang mintis sa paghu-host.

Samantala, patuloy din ang pagbibigay ng saya, premyo, at pag-asa ng The Price is Right mula Lunes hanggang Biyernes. Mas malaki na rin ang tiyansang manalo rito dahil sa bawat mini-game ay may dalawang studio partner ang maglalarong studio contestant.

Kapag nanalo ang studio contestant sa mini-game ay makakakuha ng tig P5,000 ang kanyang studio partners.

source: abante

No comments:

Post a Comment