Thursday, March 10, 2011

EROPLANO NALUBAK SA ZAMBO AIRPORT



ZAMBOANGA CITY Isang Philippine Airlines (PAL) A320 Airbus ang muntik nang maaksidente matapos na lumagpas ang dalawang gulong nito kahapon sa runway ng Zamboanga International Airport na katabi lamang ng isang mala­king sementeryo.

SADSAD!!! Ang Philippine Airlines A320 Airbus habang nasa dulo ng runway ng Zamboanga International Airport matapos na lumampas ang dalawang gulong nito kahapon at mabaon sa putikan. (Al Jacinto)


Bagama’t walang nasugatan o nasaktan sa naganap ay naantala naman nang husto ang operasyong ng airport at na-divert umano sa ibang lugar ang ilang mga flights na parating sa Zamboanga City.


Sinabi naman ni Lorito Galarita, ang lokal na manager ng PAL, na may 98 pasahero, anim na crew at 2 piloto, ang eroplano na patungo sanang Maynila.


Lumampas ang dalawang gulong nito sa kaliwang bahagi at bumaon sa putikan kung kaya’t bumalandra ito sa dulo ng runway na kung saan ay iikot ang eroplano upang makapag-take off.


“There were no reports of injuries and we are doing everything to get the plane off the ditch,” ani Galarita.


Pilot error naman ang tinitignan ni Galarita sa naganap sa kanilang Airbus.


“The plane was maneuvering at the end of the runway for take-off when its two left wheels derailed and ditch on the mud about five inches deep. It’s likely pilot error,” wika pa nito.


Todo-bantay naman ang mga sundalo at parak sa runway at eroplano habang inililikas ng mga airport ground crew ang mga pasahero pabalik ng departure area.


Noong 2007 ay su­madsad rin ang isang A320 Airbus ng PAL na may 148 pasahero sa Bancasi Airport sa Butuan City sa Mindanao na kung saan ay nasawi ang halos 3 dosenang katao.


Ang Philippine Airlines ang tumatayong national flag carrier at may mga flights sa iba’t ibang panig ng bansa, gayun rin sa Southeast Asia, Middle East, East Asia, Oceania at North America.

source: abante

No comments:

Post a Comment