Inikot ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang water reclamation plant sa Singapore.
Iyon nga lang, nasira at ayaw magsara ang sinakyan nilang underground elevator.
Ang resulta: Gumamit sila ng hagdanan paakyat na katumbas ng 20 palapag.
Napapanhik din ng hagdan maging ang 71-anyos na si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.
Hiningal ang Pangulo at binigyan ng tubig.
"Kayang-kaya naman. Walang naging problema," ani Secretary Sonny Coloma ng Presidential Communications Operations Office.
Kahit napasabak nang husto sa hagdanan, dumiretso ang Pangulo ng pasasalamat sa Filipino community ng Singapore—kung saan niya nakuha ang 52% ng mga overseas absentee voters.
Hindi naman nakaligtas sa banat ng pangulo si dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Arroyo—na binisita rin ng parehong grupo ng OFW noong 2009.
Iniwan daw kay Aquino ang gobyernong lubog sa utang.
"Every and all decision always had a political component, which normally was in conflict with sound economic practices. And unfortunately, the person I replaced was my professor in economics. Fortunately I learned what she taught me. Unfortunately she forgot," ani Aquino.
Sinagot din ng Pangulo ang mga naglalagay ng malisya sa pagsama sa kanya ni dating Senador Mar Roxas sa mga foreign visits.
Nakakatulong umano si Roxas sa pagpapakilala sa kanya sa mga negosyante, kaya napapabilis ang paghimok nila sa mga investors.
"Siya naman po ang gumagastos ng sarili niyang pera," ani Aquino.
Nakipagkita rin ang Pangulo kina Singaporean President SR Nathan at Prime Minister Lee Hsien Loong.
Kabilang sa natalakay ang patuloy na scholarship at training ng Singapore sa mga Pinoy professionals, pagtutulungan sa pagtuklas ng langis sa Spratlys, at koordinasyon sa paglikas ng mga kababayang naiipit sa Gitnang Silangan.
Sa Biyernes ay nakatakda namang pulungin ng Pangulo ang mga negosyanteng Singaporean para makalikha ng dagdag na trabaho para sa Pilipinas.
Ito’y sa pag-asa na sa susunod ay hindi na kailangan mangibang-bayan ng mga Pinoy.
source: abs cbn
Thursday, March 10, 2011
Elevator sira, P-Noy umakyat ng 20 palapag
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment