Ang mga eksena sa mga pelikula ni Julia Roberts ang aming naalaala nang panoorin namin ang Catch Me, I’m In Love. Obvious na “inspired” o pirated version ng Pretty Woman at Notting Hill ang mga eksena nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.
Ang Pretty Woman ang 1990 blockbuster movie ni Julia at ang Notting Hill ang 1999 hit film nila ni Hugh Grant. Hindi namin malilimutan ang linya ni Julia na “slippery little suckers” dahil hindi siya marunong kumain ng suso o snails na tumalsik sa waiter sa isang eksena ng Pretty Woman at kopyang-kopya ito sa dinner scene ng Catch Me… dahil hindi alam ng karakter ni Sarah ang pagkain ng suso habang kasama niya ang First Family. Tumalsik din ang suso mula sa plato.
Sikat na artista si Anna Scott (Julia) sa Notting Hill at nagkaroon sila ng relasyon ni William Thacker (Hugh), ang ordinary bookstore owner na hindi makapaniwala na mamahalin siya ng isang sikat na aktres.
Sa Catch Me, I’m In Love, maraming insecurities ang role ni Sarah dahil hindi nito maubos-maisip na mamahalin siya ng isang presidential son. Again, kopyang-kopya sa Notting Hill ang huling eksena ng pelikula nina Sarah at Gerald.
Sa Notting Hill, nagmamadaling pumunta si William sa presscon ni Anna, kasama ang kanyang mga kaibigan dahil babalik na ang aktres sa Amerika.
Ganito rin ang eksena sa Catch Me, I’m In Love dahil dali-daling nagpunta sa presscon ni Erick (Gerald) sa Manila Hotel si Roan (Sarah) at ang pamilya nito. Na-realize kasi ni Roan na ayaw nito na mawala sa buhay niya ang presidential son na nagpasya na bumalik sa Amerika pagkatapos ng kanyang presscon.
Matapos panoorin ang Sarah -Gerald movie, nagkaroon kami ng mga conclusion na kinopya ang plot ng Pretty Woman at Notting Hill dahil may attempt na gawin si Sarah na Julia Roberts of the Philippines o fan ni Julia ang sumulat ng kuwento ng Catch Me, I’m In Love.
source: abante
Tuesday, March 29, 2011
Sarah Geronimo, kinokopya si Julia Roberts?
source: abante
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment